1. Humarap ka sa salamin at aminin sa sarili mong may nararamdaman ka na para sa kanya, gaga. At huwag na wag kang magtangkang mag-deny dahil sarili mo yan, day.
2. Kapag nag-uusap kayo, HUWAG mong ico-consider na puwedeng may nararamdaman rin siya para sa iyo. Gaga, that is the fruit of your fertile imagination. Proof: Sa kakabuhos mo ng luha dyan sa puso mo, nagkaroon na ng bunga sa brain mo day oh.
3. Kung hindi naman kayo madalas magkita (which I doubt dahil pakiramdam kong classmate mo siya, coworker, kapitbahay, jowa ng friend mo at iba pang level of acquaintanship), putulin mo ang communication niyo. ASAP! At huwag kang magparamdam hanggang sa sure na sure ka na na di mo na siya type= meron ka nang iba or nagpari o madre ka na.
4. Kung acquaintance naman kayo (or friends or unfortunately, best friends), huwag na huwag kang magpaparamdam- that is to test the waters kung may gusto rin ba siya sayo. Malamang makuha mo ang signs na gusto mo dahil at the first place, FRIENDS kayo di buh??
5. Go on as if nothing's changed. (as if kaya mo to di ba?) Pero seriously, kahit na maubusan ka pa ng buhok sa kakapilit at kakaaway sa alter ego mo, gawin mo. Pilitin mo ang sarili mong maniwala na hindi mo siya gusto, o worst, mahal.
No comments:
Post a Comment